Being a Peace Advocate, it really hurts me lalo na kung maririnig ko sa iba na “bombahin na yan” patayin na yang mga salot na yan para matigil na ang gulo”, when in reality war is never the answer. Mindanao is my second home, I spent my High school in Davao and although it is a Peaceful place, I still feel sad and hurt sa ating mga kapatid na naiipit sa gulo sa kabilang dako ng Mindanao. It’s so sad na nagegeneralize ng iba lalo na yung hindi naman alam ang boung istorya ang mga pangyayari ngayon. Let’s not judge base on our emotions lets be objective. Kung iisipin, ang lakas ng loob nilang sabihing gyerahin na ang Mindanao palibhasa wala sila sa posisyon ng mga taong andun at naiipit sa labanan. Ikaw, subukan mo kayang pumunta dun at danasin ang hirap na nararanasan nila, subukan mo tumira sa isang lugar na puro pagsabog at putukan ang naririnig mo. Subukan mong tumira sa mga evacuation center ng walang makain, hindi nakakaligo at nagkakasakit na ang lahat dahil sa walang gamot at hindi malinis na lugar. Itry mong matrauma dahil sa gulo at takot sa mga putukan,. Itry mo kaya! Sila nagtitiis sila! Wala silang magawa! Wala silang mapuntahan! At ngayon, heto tayo na nasa safe na lugar nagsasabing gyerahan ang Mindanao. The Nerve! Grrr.. Nakakagigil. Hindi lang mga Muslim ang Apektado dito! pati mga Christiano. Hindi lang ang AFP at mga rebelde ang nalalagasan kundi pati din mga sibilyan! Mga sibilyang walang kalaban-laban, mga batang walang muwang, mga sanggol na wala namang kasalanan. Sila ang mas naapektuhan. Kung tutuusin mas malaki pa ang gagastusin ng Gobyerno sa pag-gyera na yan kaysa magpakain ng mga IDP’s, mas malaki ang makukurakot ng mga kurap! Kaya huwag nating hayaan na matuloy ang gyera, Let’s be fair, let’s give the children of Mindanao a chance to see the world, a chance to live a Peaceful society. Alam ko isa yung milagro pero umaasa ako, One Day matutupad yun.
I just really need to pour this out kasi ang bigat na ee

